Kwentong Buhay

Kwentong Buhay

Ipinanganak ako sa Naujan, Oriental Mindoro. Hulyo 11, 1943

Ang Tatay ko ay si Vivencio dela Torre. Namatay siya nang ako ay 4 na taon pa lamang.

Ang Inay ay si Romualda Gan dela Torre. Malapit na siyang umabot ng 89 sa Febrero 2009.

Ang tangi kong kapatid ay si Irene dela Torre. Nagtatrabaho siya sa Puerto Rico.

Ang aking kabiyak ay si Girlie Villariba, kaagapay at kasama sa paglalakbay sa buhay.

Ang aking panganay na anak ay si Gabriel dela Torre. Asawa niya si Minette de Leon. Kapapanganak pa lang ng kanilang kambal na sina Edric at Yohan, parehong lalaki.

Ang aming anak ni Girlie ay si Laraine dela Torre, nag-aaral ng Psychology sa UP.

Sila ang aking pamilya sa dugo at laman.

Kasama sila sa mas malaki ko pang pamilya -  sa isip, damdamin, at adhikain.

Mga Tugon

  1. Meron na akong blog sa Ingles, pero naisipan kong magblog sa Pilipino para sa mga kaibigan kong mas gustong makipag-usap sa sarili nating wika. Ke Ingles o Pilipino, siempre ako pa rin ako.Umabot na ng 65 sa 2008. Maraming pinagdaanan: dating pari, dating bilanggong pulitikal, dating UG, dating opisyal ng gobyerno sa TESDA. Ngayon, gustong ituring ang sariling edukador sa mga susunod na kabanata ng aking buhay.

  2. Napapanahon ang inyong pagsusulat sa WordPress. Kailangan ang matitinong blogista sa Filipino, at hinihintay ng marami ang inyong matatalisik na akda.

    • Maraming salamat sa ipinaabot mo. Kahapon, binisita ko at binasa ang marami sa mga sinulat mo sa Alimbukad. Sana nga, mas marami pang Pinoy, at Pinay, ang makilahok sa usap-usapan sa cyberspace.

  3. Gusto ko ang tema ng inyong blog mula sa pamagat hangang sa inyong mga isinulat.

  4. Mang Ed, ikinawing ko kayo sa aking blog. kahangahanga po kasi ang adhikain ninyong magblog ng sarili ninyong mga karanasan sa wikang Filipino/Tagalog. Kamakailan lang, pumunta ako sa Mindoro para makiramay sa mga naulila ng aking tiyuhin. Maganda at malinis po ang inyong lalawigan at palakibigan ang mga tao.
    Ipagpatuloy po ninyo ang magandang simulaing iyan. tama si Roberto Anonuevo, kailangang isulong ang matitinong blog na nasa wikang Filipino.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.