Ipinaskil ni: edicio1943 | Oktubre 11, 2009

Pagkatapos ng Baha

Parang napakahaba na ng panahong lumipas mula nang bumaha sa MetroManila.

Pero dalawang linggo pa lamang mula Sabado, Setyembre 26, nang pumasok hanggang baywang ang tubig sa aming lugar sa Quezon City.

Pagkatapos malamang ligtas ang lahat naming kamag-anak at kaibigan, medyo nakahinga kami ng maluwag, kahit na nasira ang maraming kasangkapan at mga papeles at ilang libro sa bahay.

Pero araw-araw, patindi nang patindi ang balita tungkol sa mga nawalan, hindi lamang ng kagamita kundi pati bahay, at higit sa lahat, buhay. Magkahalong awa at pagtatanong, na may kasabay na galit kung bakit mabagal ang pagsagip at pagtulong ng gobyerno.

Pero ang mas namayaning damdamin ay ang malasakit sa mga nasalanta at nangangailangan. At kasunod nito ay ang paghanga at pasasalamat sa kagandahang loob na ipinakita ng ating mga kababayan,

Baka ang pinaka-sagisag ng kabayanihan ay ang 18 taong manggagawa na nagligtas ng 30 mula sa baha, at nagbigay ng kanyang buhay sa pagsagip sa ika-31. Pero marami pang ibang bayani, at lalong marami ang tumulong sa iba’t ibang paraan, sa abot ng kanilang makakaya.

Nakatawag-pansin ang sinabi ng isang sumulat sa Facebook: “Kahanga-hanga at magaling ang mga mamamayang Pilipino. Bakit kaya hindi tayo magkaroon ng katumbas na gobyerno?”

Matagal-tagal ring di ako nakapagsulat ng blog. Naputol ang aming koneksyon sa telepono at internet. At kinailangan naman akong bumiyahe sa London para magsalita sa isang seminar.

Ngayong kababalik ko lang sa Pinas, halos nalinis na ang aming bahay at naiayos na ang natirang kagamitan. Pero sa tingin ko hindi pwedeng ituring ang nangyaring baha na parang interruption na pagkatapos ay balik kami/tayo sa dating buhay.

Ewan ko kung ako lang ang may pakiramdam. Pero sa tantya ko, hindi pwedeng bumalik sa dati.

Palagay ko, ang baha at ibang pangyayari ay nagtutulak sa atin ng pagbabagong higit sa dati nating inaakalang dapat at kaya natin.

Pakiwari ko lamang kaya ito?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.